MRS. ALMA P. VILLANUEVA
Teacher - I
Filipino Coordinator
Filipino Park
Basay National High School ay Nakiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2015
by Jinky A. Alovera
03/14/2016
03/14/2016
Masaya at sama-samang ipinagdiriwang ng mga estudyante at guro ng Basay National High School ang Kulminasyon ng Buwan ng Wika noong Agosto 28, 2015 na may temang, “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran”. Nagkaroon ng patimpalak sa Pagsulat ng Pasanaysay na nakamit ni Jazzy Rheane P. Gaga-a,isang estudyante ng Grade 10-Villanueva ang Unang Gantimpala. Gayundin si Alynna Marie Moya ng Grade 9-Dela Torre na nagwagi sa Monologo. Si Bryan Gaga-a ng Grade 9-Dela Torre naman ay nanalo sa Poster Making Contest. Si Aichel Grace Rendaje ng Grade 10– Villanueva ay nagwagi sa Awit ( Solo). Sina Fanny Paderog at Honey Rose Apostol, kapwa estudyante ng Grade 8 ang nagwagi sa Awit ( Duet). Ang nanalo bilang Best in Filipino Costume ay ang kapwa estudyante ng Grade 8 na suot ang Igorot Costume ay sina Princess Abentajado at Kent Niño Carmelotes. Samantala sina Lety Baquitro at Rexie Omboy ay nanalo bilang Best in Filipino Costume para sa kategoya ng mga guro. Kitang-kita sa mukha ang galak at tuwa ng mga nanalo sa patimpalak. Abot-langit ang pasasalamat at taas-noo nilang tinanggap ang sertipiko ng pagkilala sa nasabing pagdiriwang. Kaya sa lahat ng mga nagwagi, masaya at saludo kami sa inyong tagumpay!!! |
|
Proyektong Panturismo sa Filipino 7 (Basay)
by Ria Jane B. Arellano
02/26/2016
02/26/2016
|
Sa ikaapat na markahan ng Filipino 7, ang mga mag-aaral ay maglalahad ng proyekto kaugnay sa turismo ng sariling lugar. Layunin nito na mapapangalagaan at mapapalaganap ang natatanging kagandahan at likas na yaman na biyaya ng Maykapal sa bawat lugar na kinabibilangan. Sa ikaapat na Biyernes ng Pebrero ng bawat taon mula ng ipinatupad ang K-12 Curriculum, ang lahat ng estudyante sa Basay National High School, baitang 7 ay magkakaroon ng presentasyon sa "Proyektong Panturismo sa Filipino VII-BASAY". Maaaring ilahad sa pamamagitan ng jingle o patalastas. |
Buwan Ng Wika 2014
Tema: “Filipino: Wika ng Pagkakaisa”
Mula pa man sa mga nagdaang henerasyon, nakasanayan na ng ating paaralan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto. Nagkaroon ng pagdiriwang ang mga guro at estudyante ng Basay National High School ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wika ng Pagkakaisa” noong ika-29 ng Agosto 2014 sa mismong entablado ng paaralan. Ang programang ito ay pinanguluhan ni Gng. Jinky A. Alovera, ang Filipino Coordinator at iba pang mga guro sa Filipino. Napagkasunduan nila “na ang bawat baitang ay dapat na may nakatalagang Pilipinong kasuotan.” Kaya ang mga guro at estudyante ng Baitang 7 ay nagsuot ng “Igorot”na kasuotan, “Muslim” naman ang kasuotan na sinuot ng Baitang 8, “Baro’t Saya” ang sa Baitang 9, at “Balintawak” naman ang sinuot ng Ikaapat na taon.
Sa araw ng kulminasyon, sinimulan ang programa sa pamamagitan ng parada, alas 8:00 ng umaga. Ang parada ay nagsimula sa parke, at umikot ito sa Brgy. Poblacion at nagtapos sa bulwagan ng Basay National High School. Pagdating sa paaralan ay malugod na tinanggap ng dalawang tagapagsalita na sina John Ralph Omison (IV) at Aurea Mae Masayon(Grade 9) ang mga estudyante na nakasuot ng magagara nilang Pilipinong kasuotan, kasabay nito ay ang pagpili ng may pinakamagandang kasuotan. Ang nanalo sa babae ay si Ranelyn Amar (IV-Einstein) at sa lalaki naman ay si Julius Cordova (IV-Meyer ).
Pagkatapos ng parada nagsimula kaagad ang programa. Sinimulan ito sa pamamagitan ng pag-awit ng Pambansang awit ng Pilipinas na pinangunahan ni Gng. Mary Jane A. Gaga-a, panalangin ni G. Reynaldo S. Cervantes, at kasunod nito ay ang pambungad na pananalita ni G. Ricardo P. Raging (Punong -guro), at ang nakakaaliw at nakakatindig balahibo na mensahe nina Hon. Feliciano V. Cabasag (Brgy. Kapitan) at Hon. Rene L. Amorgiente (SB/Education In-charge). Pagkatapos ng mensahe ay nagpresenta si Alynna Marie Moya (Grade 8-Earth) ng isang deklamasyon. Pagkatapos ng deklamasyon ay nagsimula na ang ibat-ibang patimpalak. Ang patimpalak ay nahati sa dalawa, may patimpalak sa umaga at may patimpalak din naman sa hapon.
Ang mga patimpalak sa umaga ay ang Pasanaysay (bawat baitang at taon), Balagtasan (ika-8 baitang), Talumpating Handa at Di-handa (ika-4 na taon), Poster Making Contest (bawat baitang at taon), Pista sa Parke,Oratorical Speech, Composition/Essay Writing, at Extemporaneous Speech. Ang Pasanaysay ay ginanap sa silid-aralan ni Gng. Arellano at ang mga hurado ay sina Gng. Kenneth G. Angel, Gng. Anastacia S. Macahipay at si Gng. Jo Irene D . Burburan. Ang Balagtasan naman, at ang Talumpating Handa at Di-handa ay ginanap sa entablado. Ang mga hurado ng Balagtasan ay sina Bb. April Glou A. Abacajan, Gng. Florita Z. Gabales, at si G. Joseph L. Pit. Ang hurado naman sa Talumpating Handa ay sina Gng. Charito V. Dela Torre, Gng. Mae Jessica S. Cabano, at si Gng. Jenelyn A. Amorganda. Samantalang ang mga hurado naman sa Talumpating Di-handa ay sina Gng. Mylene Raging, Gng. Mercy M. Cancio, at si Gng. Willa A. Onganon. Ang Poster Making Contest ay ginanap sa Science Laboratory, at ang mga hurado ay sina G. Reynaldo S. Cervantes, Gng. Necitas Q. Taleon, at si Gng. Ma. Lorelei B. Gaga-a. Ang Oratorical Speech at Extemporaneous Speech ay ginanap sa silid-aralan nina Gng. Mary Jane Gaga-a at Gng. Necitas Q. Taleon, at ang mga hurado naman ay sina Gng. Judith M. Sarabia, Bb. Vilma C. Valencia, at si G. Jerry A. Baclaan. Ang Composition/Essay Writing naman ay ginanap sa silid-aralan ni Gng. Angel, at ang mga hurado ay sina Gng. Mary Jane A. Gaga-a, Gng. Cherryl D. Torreda, at si Gng. Genepher B. Vergara. Lahat ng mga hurado ay masusing pumili ng tunay na mahusay at magaling na kalahok, nahihirapan man dahil halos lahat ay magaling ay ginawa pa rin nila ang lahat upang manalo ang tunay na karapat-dapat.
Ang mga patimpalak naman sa hapon ay ang Solo OPM (Para sa Filipino at Ingles) at Duet OPM (Filipino). Ang patimpalak na ito ay ginanap sa entablado at ang mga hurado ay sina G. Nicolas Henry M. Gaga-a, Gng. Alma R. Misajon, at si Gng. Lety M. Baquitro. Maraming mga estudyante at guro ang napahiyaw at napabilib sa ganda ng tinig ng mga kalahok habang ang iba naman ay naantig ang mga puso at nakadama ng mensaheng hatid ng kanta.
Matapos ang lahat ng nasabing kompetisyon ay panahon na para ipaalam ang lahat ng mga nagwagi sa kompetisyon.Si Justin Empis IV-Einstein ang nagwagi sa Talumpating Handa habang si Julie Ann Vergara naman ang nagwagi sa Talumpating Di-Handa. Isang estudyante naman ng baitang 9, seksiyon-Diamond ang nagwagi sa Pasanaysay na kilala sa pangalang Jazzy Rheane P. Gaga-a. Angbaitang 9 seksiyon Diamond, na binubuo nina Aurea Mae P. Masayon, Jiar Borres, at Princess Abigail Toquero, ang nagwagi sa Balagtasan. Si Rhesiel Dela Cruz naman, baitang 7, seksiyon Diamond, ang nagwagi sa Poster Making Contest.
Ang nagwagi sa pag-awit ng isahan ay ang estudyanteng may malamig na tinig, na walang iba kundi si Ian Ambo, siya ay nasa ika-4 na taon,seksiyon Thompson sa ilalim ng pamamahala ni Gng. Lety M. Baquitro. Sa duet naman ay si Ian Ambo at Jorgie Cabañog ang nanalo, parehong nasa ikaapat na taon, seksiyon Thompson sa ilalim pa rin ng pamamahala ni Gng. Lety M. Baquitro.
Abot langit ang pasasalamat nang mga nagwagi sa mga patimpalak at taas noo nilang tinanggap ang sertipiko ng pagkilala. Sa lahat ng nagwagi masaya kami sa inyong tagumpay!!
Pagkatapos ng pag-anunsyo ng mga nanalo at pagbigay ng sertipiko sa kanila, sinimulan na agad ni Gng. Juliet Brillo ang coordinator sa Ingles ng Basay NHS ang Pangwakas na Pananalita upang isara na ang programa.
“ANG WIKA AY KALULUWA NG BANSA”, kaya nararapat lang na bigyan ng panahon at atensiyon, dahil kung walang wika, walang kaluluwa ang ating bansa.